Lunes, Agosto 31, 2015

Luneta o Rizal Park

             Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noongDisyembre 30, 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito saIntramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita

                       

Maipagmamalaki ng Luneta ang pambihira nitong harding may hibong Tsino at Hapones, na paboritong puntahan ng mga mag-anak, magkakaibigan, at kahit ng mga deboto ng gaya ng El Shaddai. Naroon sa parke ang replika ng arkipelago ng Filipinas, at malapit sa awditoryum na malimit gawing tanghalan ng sayaw, konsiyerto, dula, tula, at iba pang may kaugnayan sa sining. Ang mga kagawaran ng pamahalaan, gaya ng Pambansang Aklatan, Pambansang Museo, at Kagawaran ng Turismo, ay tila nagpapasulak ng damdamin sa lugar. Samantalang ang Planetarium, Orchidarium at Butterfly Pavillion, at kahit ang fountain ay makapagpapaalala sa mga Filipino hinggil sa kanilang pag-iral at pagkamamamayan.

                       



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento