Lunes, Agosto 31, 2015

Dating Kinatatayuan ng Unibersidad de Santo Tomas

           Ang Unibersidad ng Santo Tomas (dinadaglat bilang UST),[1] na mas kilala sa pangalang University of Santo Tomas (Universidad de Santo Tomás) at minsan ring Pamantasan ng Santo Tomas, ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, O.P., Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas de Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Inocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.  

              Ito naman ang ikalawang unibersidad na pinasukan ni Rizal. Noong taong 1882 hanggang 1887 ng si Rizal ay nag-aral ditto at kinuha ang mga kursong literature at pilosopiya. Tulad sa ateneo ay humakot din si Rizal ng mga gantimpala sa unibersidad na ito.


               Mula binondo ay nilakad namin ang kulang kulang isang kilometrong paglalakad papunta sa dating kinatatayuan ng unibersidad ng sto.tomas. Nang kami ay makarating nakita namin ang isang makalumang gusali na inakala naming na iyon na ang aming hinahanap subalit sa gilid nito ay may nakita kaming “marker” na nagsasabi na doon nakatayo dati ang unibersidad ng sto.tomas. Wala na doon ang gusali ng dating unibersidad at napalitan na ito ng bagong gusali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento