Lunes, Agosto 31, 2015

Lakbay Aral 2015

               Ang mga pook na ito ay may kinalaman sa mga dinanas ni Rizal nung siya ay nabubuhay pa at kahit ngayong patay na siya. Isinagawa naming itong lakbay aral na ito ng sa gayon malaman naming ang mga lugar kung saan siya pinahirapan at pinagmalupitan ng mga espanyol. Sa lahat ng taong makakabasa nito ay sana may mapulot kayo kahit kaunting kaalaman sa aking ginawang blog ng aming paglalakbay aral sa mga lugar na may kinalaman sa ating pambansang bayani na si Jose Protacio Rizal.

                 -Fort Santiago

              -Dating Kinatatayuan ng Ateneo Municipal De Manila

              -Dating Kinatatayuan ng Unibersidad de Santo Tomas

                 -Dating Pinaglitisan Kay Dr. Jose Rizal

                 -Pambansang Museo ng Pilipinas (Gallery V) 

                 -Dating kinatatayuan ng Bahay ni Higino Francisco (Binondo)

                 -Paco Cemetery

                 -Luneta o Rizal Park 


Fort Santiago

          Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta ngayon).


          Nobyembre 3, 1896 ng  Inilipat si Rizal sa Fort Santiago at Nagkaroon ng “mock trial” ang mga Kastila at si Rizal ay inakusahan ng paghihimagsik, sedisyon, at pagbubuo ng illegal na samahan. Disyembre 2, 1896 ng Nilagdaan ni Gobernador-Heneral Camilo Polaviejo ang utos sa pagpatay ni Rizal.
                                                                                                                                                                                       
                                                                                                                                                                                                                                                                                         





             Dito rin makikita ang kulungan Kung saan ikinulong si Rizal at naglagay din ng isang rebulto ni Rizal na nakagapos ang pamunuan ng Intramuros upang maipakita ang lahat ng hirap na dinanas ni Rizal sa kamay ng mga espanyol.


               Makikita rin dito ang mga bakal na yapak niya sa sahig mula sa kanyang kulungan hanggang sa paglabas ng fort Santiago.

                Sa aming paglalakbay aral sa fort Santiago, marami kaming nalaman sa kung ano ang mga dinanas ni Rizal sa loob ng Fort Santiago ng siya ay mabilanggo doon. Kahit nakakapagod at nkakagutom Masaya parin kami dahil sa halo-halong kalokohan na aming pinag-gagawa. Disyembre 2, 1896 ng Nilagdaan ni Gobernador-Heneral Camilo Polaviejo ang utos sa pagpatay ni Rizal.

Dating Kinatatayuan ng Ateneo Municipal De Manila

          Isang pribadong pamantasang pinatatakbo ng mga Heswita s pilipinas ang Pamantasang Ateneo De Manila (Ateneo De Manila University sa wikang Ingles). Matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Metro Manila ang pangunahing paaralan na ito. Naghahandog ito ng ibat-ibang mga programa para sa Elementarya, Secondarya at Koleheyong antas gaya ng sining, humanidades, pangangasiwa, batas, agham panlipunan, teknolohiya, at purong agham at teknolohiya.


          Taong 1872 hanggang 1877 ng mag-aral si Rizal sa ateneo de manila. Sa tulong ni manuel xerex si Rizal ay nakapag-aral sa paaralang ito. Si Rizal ay nagtala ng ibat-ibang karangalan sa larangan ng pagsulat ng tula at paglililok.


          Pagtapos namin sa Fort Santiago ay dumako naman kami sa paruruonan dating ateneo de manila. Tinahak namin ang daang General Luna Street at Ilang kanto mula sa Fort Santiago ay lumiko kami pakanan at doon namin natagpuan ang “marker” na nagsasabing doon nakatayo dati ang ateneo de manila.

Dating Kinatatayuan ng Unibersidad de Santo Tomas

           Ang Unibersidad ng Santo Tomas (dinadaglat bilang UST),[1] na mas kilala sa pangalang University of Santo Tomas (Universidad de Santo Tomás) at minsan ring Pamantasan ng Santo Tomas, ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, O.P., Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas de Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Inocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.  

              Ito naman ang ikalawang unibersidad na pinasukan ni Rizal. Noong taong 1882 hanggang 1887 ng si Rizal ay nag-aral ditto at kinuha ang mga kursong literature at pilosopiya. Tulad sa ateneo ay humakot din si Rizal ng mga gantimpala sa unibersidad na ito.


               Mula binondo ay nilakad namin ang kulang kulang isang kilometrong paglalakad papunta sa dating kinatatayuan ng unibersidad ng sto.tomas. Nang kami ay makarating nakita namin ang isang makalumang gusali na inakala naming na iyon na ang aming hinahanap subalit sa gilid nito ay may nakita kaming “marker” na nagsasabi na doon nakatayo dati ang unibersidad ng sto.tomas. Wala na doon ang gusali ng dating unibersidad at napalitan na ito ng bagong gusali.

Dating Pinaglitisan Kay Dr. Jose Rizal

            Ang cuartel de espanya ang sinasabing isa sa lugar na pinaglitisan kay Rizal bago siya dalhin at barilin sa bagumbayan(Luneta).

       Wala na doon ang gusali na pinaglitisan kay Rizal kaya naman nahirapan kami sa paghahanap at maling gusali pa kami napuntahan. Akala namin na ang cuartel de sta.lucia ang dating lugar na pinaglitisan kay Rizal. Kaya naman kami ay naghanap hanap at doon ay nalaman namin na wala na pala ang dating gusali at napalitan na ito. Ang PLM o Pamantasang Lungsog ng Maynila ang dating kinatatayuan ng Cuartel De Espanya.


Pambansang Museo ng Pilipinas (Gallery V)

         Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang gusali ng isang arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong 1918. Sa ngayon, ang gusaling iyon na dati ring nagbahay sa Kongreso ng Pilipinas ay ang kinalalagyan ng mga dibisyon ng mga sining, mga likas na agham, at iba pang mga dibisyon. Kabilang sa mga pag-aaring yaman nito ang bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan Luna.


         Ang Pambansang Museo ay matatagpuan malapit sa Luneta o Rizal Park. Sa gallery V ng museo ay matatagpuan ang ibat-ibang likha ni Rizal mula sa paglililok at pagpinta. Nakalagay din dito ang ibang likhang sining na patungkol sa kanya na gawa ng ibang magagaling, mahuhusay at tanyag na tao sa pilipinas.


             Isa sa mga nagustuhan kong nililok ni Rizal ay ang “A mother's Revenge", nililok ni Rizal ito noong taong 1894 nang siya ay mapatapon at mabilanggo sa dapitan. a patungkol sa kanya na gawa ng ibang magagaling, mahuhusay at tanyag na tao sa pilipinas.


Dating kinatatayuan ng Bahay ni Higino Francisco (Binondo)

          
             Pagkatapos ilibing si Rizal sa paco cemetery ang kanyang pamilya ay nagpasya na itago ang kanyang labi sa bahay ni Higino Francisco upang mapangalagaan at di manakaw dahil nung panahong iyon nais gamitin ng mga rebolusyunaryo ang labi ni Rizal upang makakuha ng mga kasapi sa himagsikan. Si Higino Francisco ay isa sa mga tagahanga ni Rizal na pumupondo sa mga kilusan laban sa mga espanyol.

           Ang dating bahay ni Higino Francisco ay nasa binondo subalit ito ay wala na ngayon at balak patayuan ng makabagong imprastraktura. Sa aming pagpunta dito ay tanging poste na lamang an gaming nakita na may marking X upang palatandaan na dito nakatayo dati ang bahay ni Higino Francisco. mula 1896 hanggang 1912, Kung kailan inilipat ang kanyang mga labi sa Rizal Park. Sa kasalukuyan, ay makikita ang isang espasyo sa sementeryo, ang pinaglagakan ng mga labi ni Rizal. Ito ay binakuran, at nilagyan ng krus sa gitna kung saan nakasulat ang taon ng pagkamatay ni Rizal at ang kaniyang maliit na iskulptura sa gawing kaliwa. Makikita rin ang isang historical marker sa tapat ng libingan ni Rizal. 
                                                                                                                                                                   

Paco Cemetery

               Ang Paco Park ay isang parke at sementeryo na itinatag noong panahon ng mga Kastila. Ito ay mayroong 4,114.80 na square meters. Ang Paco park ay matatagpuan sa kalye General Luna at sa silangang bahagi ng Kalye Padre Faura sa Distrito ng Paco, Maynila.


             Dito unang inilibing ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal. Dito nakahimlay ang kanyang mga labi mula 1896 hanggang 1912, Kung kailan inilipat ang kanyang mga labi sa Rizal Park. Sa kasalukuyan, ay makikita ang isang espasyo sa sementeryo, ang pinaglagakan ng mga labi ni Rizal. Ito ay binakuran, at nilagyan ng krus sa gitna kung saan nakasulat ang taon ng pagkamatay ni Rizal at ang kaniyang maliit na iskulptura sa gawing kaliwa. Makikita rin ang isang historical marker sa tapat ng libingan ni Rizal. 


Sa puntod ni Rizal ay may nakalagay na krus na nakasulat ang pabaliktad na initial ng kanyang pangalan upang (Jose Protacio Rizal). Binaliktad nito upang hindi malamam ng mga tao nung una na si rizal ang nakalibing rito ng sa gayon hindi ito pag-interesan ng iba.

Luneta o Rizal Park

             Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noongDisyembre 30, 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito saIntramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita

                       

Maipagmamalaki ng Luneta ang pambihira nitong harding may hibong Tsino at Hapones, na paboritong puntahan ng mga mag-anak, magkakaibigan, at kahit ng mga deboto ng gaya ng El Shaddai. Naroon sa parke ang replika ng arkipelago ng Filipinas, at malapit sa awditoryum na malimit gawing tanghalan ng sayaw, konsiyerto, dula, tula, at iba pang may kaugnayan sa sining. Ang mga kagawaran ng pamahalaan, gaya ng Pambansang Aklatan, Pambansang Museo, at Kagawaran ng Turismo, ay tila nagpapasulak ng damdamin sa lugar. Samantalang ang Planetarium, Orchidarium at Butterfly Pavillion, at kahit ang fountain ay makapagpapaalala sa mga Filipino hinggil sa kanilang pag-iral at pagkamamamayan.

                       



Aral sa Lakbay-Aral


                Sa lakbay aral na ito ay lalo kung nalaman ang tungkol kay Rizal sa maynila kasama na dito ay ang mga lugar na may kaugnayan sa kanya sa lungsod ng maynila. Isa rin sa aking nalaman ang mga pagsubok na kanyang hinarap ng buong tapang na kahit alam niya na kapag siya ay bumalik dito sa pilipinas ay papatayin siya ngunit siya ay buong tapang parin na bumalik para makawala tayo sa kamay ng mga mananakop na espanyol.
                    

Mabuhay ka Rizal !!







Narito ang ginawa naming munting presentasyon. Nawa'y magustuhan niyo :)